عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ta, Sin (mga titik Ta, Sa). Ito ang mga Talata ng Qur’an, (at ito) ay isang Aklat (na nagpapaliwanag sa mga bagay) na maging malinaw
٤٠.At ang isa (sa kanila) na may karunungan sa Kasulatan ay nagsabi: “Ito ay aking dadalhin sa inyo sa isang kurap lamang ng mata!”, at nang makita (ni Solomon) na ito ay inilagay sa kanyang harapan, siya ay nagsabi: “Ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng aking Panginoon, - upang ako ay masubukan kung ako ay may pasasalamat o walang pagtanaw ng pasasalamat! At kung sinuman ang may pagtanaw ng pasasalamat, katiyakang ang kanyang pagbibigay ng pasasalamat (ay tungo sa kabutihan) ng kanyang sarili, at sinuman ang walang pagtanaw ng pasasalamat, (ang kanyang kawalan nang pagtanaw ng pasasalamat ay para lamang sa kasahulan ng kanyang sarili). Katiyakan, ang aking Panginoon ay Masagana (hindi nangangailangan ng anuman), ang Tigib ng Biyaya.”
٤٤.At ipinagbadya sa kanya (Saba o Sheba): “Pumasok ka sa Al-Sarh (isang ibabaw ng salamin na sa ilalim nito ay may tubig o isang Palasyo), datapuwa’t nang kanyang mamalas ito, kanyang napag-akala na ito ay lawa ng tubig at kanyang (inililis ang kanyang damit) at nahantad ang kanyang mga binti. At si Solomon ay nangusap: “Katotohanang ito ay Sarh (Palasyo) na pinakinis sa piraso (tipak) ng salamin.” Siya ay nagsabi: “O aking Panginoon! Katotohanang nasuong ang aking sarili sa kamalian, at ako ay sumusuko (sa Islam na kasama si Solomon, kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang).”